Wednesday, December 31, 2008

Sunday, August 31, 2008

Ikalawang Lap


punding hedlayt. pudpod na gulong. yupi-yuping kaha.
imposibleng tatagal pa siya.

makinang kumakalampag. gasolinang papaubos. prenong di kumakagat.
panganib sa sarili at sa kapwa ang dala.

humaharurot ang lahat sa kanyang paligid--
mga sasakyang paikut-ikot sa race track ay
walang busi-busina kung ungusan ang bawat isa
upang sa finish line ay mauna.

wari'y nabulag na ang tanan sa nagkikislapang ilaw o
nabingi sa ngitngit ng mga makinang galit.
sa puntong ito, nais lamang ng drayber na huminto,
lumabas ng kanyang sira-sirang sasakyan at humiga sa gitna ng race track
hanggang malula sa lalim ng langit.


bakit tila may mali sa pagmamadali?


nais niya munang lumayo sa ingay ng lahat at maglakad sa dalampasigan.
nawa'y mapawi ang init ng kanyang ulo at maitama ang litong dibdib.
at sa paglanghap sa simoy ng paparating na payapang amihan,
sana tanong niya'y masagot na:

tuloy o tigil?

Thursday, April 3, 2008

white flag


gravity has a different pull lately.
it's like my hands and feet are nailed to the ground
and an endless stampede of a thousand elephants passes over me
which continuously presses me deeper and deeper to the earth's crust.

as i struggle to survive, my senses have magnified ten times (in a very bad way)--
the chirping of the birds is unbelievably loud and irritating;
the flowers are annoyingly colorful;
roasted garlic smells pungent rather than aromatic;
milk chocolates are much too milky; and
the summer sun burns me to the core.


i am feeling the death of my essence little by little.
music and i don't connect anymore--
a song has become just a song and a dance just a dance.
the two can no longer uplift me and worse
even my ever reliable cup of coffee fails to comfort my soul.
my every fiber fearfully awaits my impending doom.


i'm losing this battle. i'm losing my way.
loser. lost.

Wednesday, January 30, 2008

Pep Talk


Teka, punasan mo muna ang papatak na luha.
Wag mong sayangin ang panahon sa pag-aalala
sa mga tao at mga pangyayaring nakasakit sa iyo.


Iwan mo na itong sulok ng pagmumukmok.

Alisin mo na ang ngitngit na namumuo sa puso.
Huwag ka nang magalit sa manggagamit.

Hindi ba kusa ka rin namang nagpagamit
at lihim pang naghintay ng kapalit?


Tahan na. Heto ang balikat ko.
Sumandal ka muna hanggang mabawi mo ang iyong lakas.
Sabay tayong titindig at lalakad.
Aakayin kita.
Kumapit ka lang nang mahigpit sa aking magaspang na kamay.

At sa paghupa ng unos sa isip mo,
huwag mo naman akong pagdamutan ng iyong ngiti
na magsasabing ika'y panatag na.

Tuesday, January 29, 2008

Right to Write, Sing the Song


I've written a number of poems and songs about love and hate, of indifference,

and even about life's ordinary moments that surprisingly turned out to be uniquely special to me.

This time, though, when the writer's block attacks

and the singer's laryngitis worsens,

would you please tell me to just rest and be still.

Reassure me that this is just a phase and everything else will be better soon.

But if things forever stay like this,

will you please write the words and sing the songs for me?